Monday, December 6, 2010

Trillanes tiwalang makakalaya (Noel Abuel)

(Noel Abuel)


Umaasa pa rin si Senador Antonio Trillanes IV na makakalaya ito sa kulu­ngan bago mag-Pasko sa sandaling maaprubahan ng dalawang Kongreso ang Proclamation 75 ni Pa­ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.
Ito ang sinabi ni Atty. Reynaldo Robles, abogado ni Trillanes, sa lingguhang pulong balitaan sa QC, kung saan handa na umano ang senador sa sandaling maipatupad ang amnestiya sa mga rebeldeng sundalo at sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa 2003 Oakwood mutiny, ang 2006 Marines stand-off at ang 2007 Manila Peninsula Hotel siege.
“The application for the amnesty really to validate if the applicants are covered by the amnesty. There is no doubt that Sen. Trillanes is covered. It is possible that he could be freed after Congress’ concurrence. That is within the powers of the President,” ayon pa kay Robles.
Inaasahan na ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo ay ilalabas ng Senado at ng Kamara ang kasunduan ng mga itong ipasa ang amnestiya bago ang Christmas break.
Ngunit inaasahan namang hindi magiging madali ang inaabangang kalayaan ng mga kandidato sa amnestiya dahil kailangan munang mag-apply ang mga ito kung saan hindi pa tiyak kung sinu-sino ang sakop ng Proclamation 75 na dedesisyunan din ng Department of National Defense.
Iginiit naman ni Robles na dapat nang palayain si Trillanes habang nakasalang ang aplikasyon nito dahil may sinum­paan itong mandato para sa taum­bayan bilang senador.

OPINYON:

 Masasabi kong dpat nga siyang palayain sapagkat kailangan niyang magampanan ang kanyang tungkulin. Kaya siya ibinoto siya ng mga pilipino ay may tiwala sa kanya ang mga ito. Hindi porke nakulong ang isang tao ay hindi na siya dapat pagkatiwalaan. Sa pagkakakulong niya napagbayaran na niya ang kanyang nagawang kasalanan.



 Kung kayo ang tatanungin sang-ayon ba kayo na palayain si Sen. Antonio Trillanes IV?